672 na mangingisda sa Cagayan, nakatanggap ng motorboats

Nakatanggap ang 672 na mangingisda sa 12 coastal towns sa Probinsya ng Cagayan ng 224 motorboats mula sa Department of Labor and Employment.

Ayon sa DOLE RO2, kabilang sa naturang coastal towns ang Sta. Praxedes, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Buguey, Camalaniugan, Sta. Teresita at Gonzaga.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Gawa sa fiberglass material with built in machine ang mga ipinamahaging motorboats kung saan nagkakahalaga ito ng 90,000 bawat isa kabilang na ang GSIS insurance ng mga benepisaryo.

Umabot sa mahigit 20 milyon pesos ang nagastos ng ahensya sa pagbili ng 224 na motorboats.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Ito ay pinondohan sa ilalim ng Livelihood program ng DOLE na layong suportahan ang pangkabuhayan ng mga mangingisda.

Samantala, nagkaroon rin ng payout ang 786 na benepisaryo ng TUPAD mula sa Tuguegarao City kung saan kabuoang 2.9 milyon pesos ang inilaan na pondo para rito.

Photo/DOLE Region 2