P29M halaga ng di rehistradong gamot, narekober ng Customs-NAIA

Narekober ng Bureau of Customs-Port of NAIA ang mga hindi rehistrado gamot na nagkakahalaga ng mahigit P29 million at dinala sa bansa sa pamamagitan ng anim na shipments mula sa Hong Kong.

Ayon sa BOC-NAIA, ang naturang mga gamot na nasa 146,600 na kahon ay walang clearance mula sa Food and Drug Administration.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag ng ahensya, hindi rin mahanap ang consignee kahit sa address na nakalagay.

Ang shipments ay naglalaman ng mga kahon ng Lianhua Qingwen Jiaonang, isang traditional Chinese medicines na regulated ng FDA.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Dahil dito, sinabi ng BOC na ang mga nakumpiskang gamot ay subject sa seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) na may kaugnayan sa Section 117 (Regulated Goods) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at ng Food and Drugs Act. //MHEL PACIA-TRINIDAD