DOH hindi pa makumpirma kung bumababa ang trend ng COVID-19 cases

Nilinaw ng Department of Health na hindi pa nila makumpirma kung nagkakaroon na nga ba ng downward trend sa COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay sa kabilang ng pagbaba ng bilang ng mga naitatalang kaso ng naturang sakit kada araw nitong nakalipas na linggo.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergerie gusto nilang matiyak na consistent na ang pagbaba ng mga kaso bago nila ianunsiyo sa publiko.

Binigyan-diin ng opisyal na mataas pa rin ang ICU beds utilization sa mga ospital kung kaya’t hindi pa kailangan magpaka-kampante.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Magugunitang sa datus na inilabas ng OCTA research group nasa 0.96 na lamang ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa buong bansa.