600,000 empleyado nakabalik sa trabaho nitong Setyembre – DOLE

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na aabot sa 600,000 na mga empleyado ang nakabalik sa kanilang trabaho nitong Setyembre.

Ito ay matapos na bahagyang lumuwag ang quarantine restriction sa Metro Manila.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Ginawa ni Bello ang pahayag sa gitna ng report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang unemployment ng Pilipinas sa 3.88 million.

Inihayag naman ng kalihim na nagpapatuloy pa rin ang pamimigay ng ayuda para sa mga displaced workers sa pamamagitan ng TUPAD program.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Kasabay nito nagbigay din alokasyon ang pamahalaan ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccines para sa mga displaced workers.