Comelec, umapela sa mga tatakbo sa eleksyon na huwag mangampanya ng maaga

Ipinaalala ng Commission on Elections sa mga kakandidato sa halalan na nakapaghain na ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa May 2022 national elections na hindi pa panahon ng pangangampanya.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na pwede nang makonsidera ito bilang prematrue campaiging.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Base sa kalendaryo ng Comelec ay magsisimula sa February 28 ang campaign period para sa presidente, bise presidente, mga senador, at party-list groups habang magtatapos naman ito sa May 7, 2022.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Para naman sa iba pang mga pusisyon ay magsisimula ang pangangampanya sa March 25 hanggang May 7, 2022.

Nilinaw naman ni Jimenez na hindi pa sigurado kung matatanggap bilang mga kandidato ang mga indibidwal na nakapaghain na ng kani-kanilang certificate of candidacy.