Most wanted person ng Bacacay, Albay sa kasong Attempted Rape huli sa Cavite

LEGAZPI CITY – Nahuli na ng mga awtoridad ang isang lalaki na Municipal Most wanted person sa bayan ng Bacacay, Albay sa La Cristina Compound, Brgy. Salinas 1, Bacoor Cavite  dahil sa kasong Attempted Rape.

Kinilala ang akusado na si Alyas Jobert 38 anyos residente ng Brgy. Namanday, Bacacay, Albay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa report, matagal ng pinaghahanap ng mga awtoridad ang akusado dahil sa ginawa umanong pagtangkang panghahalay sa biktima.

Sa pakikipagtulungan ng mga kapulisan sa ibat ibang himpilan ng pulisya ay natunton ng mga ito ang kinaroroonan ni Alyas Jobert.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dahil dito ay sinilbihan ng mga awtoridad ng warrant of arrest na pirmado noong Agosto 24 taong 2009 dahil sa kasong Attempted Rape at mayroong ibinigay ang korte na piyansa na aabot sa PHP 120,000.00.

Sa ngayon ay nakatakdang dalhin ang akusado pabalik sa kanyang court of origin upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya