Nakolektang basura sa magat dam, umabot sa 5 tons – DA-BFAR RO2

Umabot sa limang tonelada ng basura ang nakolekta ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 katuwang ang NIA-MARIIS at SN Aboitiz Power (SNAP) sa kanilang isinagawang clean-up drive sa Magat Dam Reservoir.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DA-BFAR RO2, kabuoang 250 na indibidwal ang nagboluntaryo para sa isinagawang aktibidad.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ito ay kinabibilangan ng mga fisherfolk association members, 4Ps household-beneficiaries, barangay officials at empleyado ng mga nabanggit na ahensya.

Bukod sa limang toneladang nakolekta sa Magat crest ay naitanim din ng mga volunteers ang 600 Bamboo propagules at 50 Narra propagules sa palibot ng Magat dam.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Annual Fish Conservation Week Observance ng ahensya kung saan kabilang dito ang pagsasagawa ng mga cleanup drive sa coastal at reservoir areas.

Layunin itong mabawasan ang mga basura, marine debris problem awareness at environmental problems awareness upang matugunan ang sanhi ng problema sa polusyon.