11 na kaso ng Delta Variant, muling naitala sa Region 2

Muling nakapagtala ng panibagong labing-isa na kaso ng COVID-19 Delta Variant ang Lambak ng Cagayan.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng DOH Region 2 mula sa Whole Genome Sequencing ng DOH Central Office, UP-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH).

Mula sa bagong delta variant case, anim (6) ang mula sa Cagayan kung saan 1 ang mula sa Peňablanca at lima (5) naman sa Tuguegarao City.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tatlo (3) naman ang mula sa Isabela na naitala sa bayan ng Cabagan, Jones at San Mateo. Habang tig-isa naman ang naitala sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya at Diffun, Quirino.

Ang mga naitalang kaso ay pawang mga local case at gumaling na mula sa naturang sakit. Samantala, mula noong March – September 26 ay nakapagtala ng kaso ng variant of concern ang mga probinsya sa Region 2 kung saan 325 cases ang naitala sa Alpha variant kung saan 303 rito ay recovered na habang 22 naman ang nasawi.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa Beta Variant ay mayroong 45 cases, 42 recovered at 3 deaths; ang delta variant ay mayroong 176 cases, 171 rito ay recovered at 5 ang nasawi habang sa Theta Variant naman ay mayroong naitalang 3 cases na pawang fully recovered na.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Special Action Team (SAT) ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa mga apektadong munisipalidad.