Makakatanggap 12 telehealth devices o RxBox ang piling Rural Health Unit sa Lambak ng Cagayan mula sa Ionics EMS, Inc na natanggap ng Department of Science and Technology (DOST) Region 02.
Ayon sa DOST RO2, ang RxBox ay isang telehealth device na may kakayahang matukoy ang temperature, blood pressure, heart rate, oxygen saturation, uterine contractions at electrocardiogram ng isang pasyente.
Bukod dito, ang RxBox ay kasalukuyang binago bilang isang telemetry device para sa mga pasyente na na-ospital na may moderate at severe Covid-19 case at muling ginagamit sa mga quarantine center.
Ang nasabing mga devices ay ibibigay sa mga RHU na kabilang sa under Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) na siyang susuporta sa maternal-and-child health, management of cardiovascular diseases at iba pa.
Samantala, bago ipamahagi sa mga RHU sa Rehiyon ay sasailalim pa ang naturang device sa Clinical Acceptance Test (CAT) ng DOST RO2 RxBox Regional Management Team (RMT) upang matiyak ang accuracy nito.