Nakumpirma ng Pilipinas ang 20,755 na bagong kaso ng COVID-19, na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito sa mahigit 2.49-million.
Naiulat rin ng Department of Health na umabot na sa mahigit 2.29-million ang kabuoang bilang ng recoveries sa bansa matapos nitong madagdagan ng 24,391 na pasyente na kagagaling lang sa sakit.

Sa ngayon ay meron pang 161,447 na aktibong kaso sa Pilipinas habang wala naman naitalang nasawi sa gitna ng nagpapatuloy na glitches na nararanasan ng COVIDKaya reporting system ng DOH.
Inihayag naman ng independent research group na OCTA na bumababa na ang trend ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Matatandaan na dati nang nakuwestyon ang mga estimates at forecast ng OCTA, kung saan ay sinabi ni Marikina Representative Stella Quimbo na 79.4-percent off ang forecast ng grupo.