Ika-10 madre ng RVM, nasawi sa COVID-19

Nasawi sa COVID-19 ang isa nanaman miyembro ng Congregation of the Religious of the Virgin Mary (RVM Sisters).

Dahil diyan ay umabot na sa 10 ang bilang ng mga madre ng kumbento na nasawi dahil sa COVID-19.

Noong Huwebes, ay una nang sinabi ng kumbento na siyam mula sa 62 Madre na tinamaan ng sakit na dulot ng COVID-19 ang nasawi.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Inihayag naman ni RVM Sister Maria Anicia Co na Tinatayang nasa 20-percent  ng mga nagpositibo sa virus ang kritikal o severe ang kondisyon.

Ipinunto naman niya na ang huling dalawa mula sa 50 lay personnel nito na tinamaan ng COVID-19 ang patuloy na nagpapagaling.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sinabi ni Co na kulang ang bilang ng kanilang mga madre at tauhan para matugunan ang pangangailangan ng mga na-infect ng virus.

Gayunman, patuloy naman silang nakakatanggap ng tulong mula sa iba’t-ibang mga indibidwal at grupo.