Dating senador JV Ejercito, umaasa na makababalik sa Senado

Umaasa si dating senador JV Ejercito na makababalik ito sa Senado sa pamamagitan ng 2022 elections, o tatlong taon matapos ang nabigo nitong reelection bid.

Sa isang media forum ay sinabi ni Ejercito na isusulong niya nag mas mabuting health care system at infrastructure development sa Pilipinas.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Ipinunto rin niya na kailangan maprayoridad at maimplementa ng maayos ang Universal Health Care, na makokonsidera pa rin bilang work in progress.

Mababatid na si Ejercito ang author ng UHC Bill sa Senado, kung saan ay ineenrol nito ang lahat ng mga Pilipino sa National Health Insurance Program.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Samantala, ipinaliwanag naman ni Ejercito, na kasalukuyang miyembro ng Nationalist People’s Coalition, na naging bahagi ng kaniyang desisyon ang pagkakasama niya sa line-up ng iba’t-ibang political parties.