Ibinunyag ni dating senador Bongbong Marcos na nakikipag-usap siya sa dalawang magkaribal na paksyon ng PDP-Laban para sa posibilidad ng alyansa sa 2022 elections.
Sinabi ng dating senador na na-nominate na siya bilang presidential candidate nitong Biyernes ng partido na binuo ng kaniyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos.
Gayunman, inihayag niya na nais pa rin niya bumuo ng alyansa para sa susunod na taon, at malapit na niyang ianunsyo kung alin national post ang kaniyang tatakbuhan.

Inamin ni Marcos na nakikipag-usap siya sa PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy secretary Alfonso Cusi at sa karibal nitong grupo na pinangungunahan nina Senators Manny Pacquiao at Koko Pimentel.
Matatandaan na tinanggap kamakailan ni Duterte ang kaniyang nominasyon bilang vice presidential candidate ng PDP Laban, habang wala pang nagiging desisyon ang dating aide nito na si Senator Christopher Bong Go kung tatanggapin nito ang nominasyon ng kanilang grupo para sa pagka-Pangulo.