Bagong COVID-19 variant na unang nadiskubre sa Japan, kalat na sa US

Pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto sa Estados Unidos ang isang panibagong COVID-19 variant na unang nadiskubre sa Japan na ngayon ay kumakalat na sa tatlong states sa US.

Sa report ng US Centers for Disease Control umabot na sa 10,000 katao ang tinamaan ng R.1 variant partikular sa Kentucky State.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nakita sa bagong variant ang mutations mula sa ibang variants of concern o interest na Alpha, Beta, Gamma, Delta, Lambda at Mu.

May indikasyon din na hindi tinatablan ng COVID-19 vaccine ang R.1 variant matapos makita ng CDC na karamihan sa mga tinamaan ay fully vaccinated.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa kabila nito binigyan diin naman ng US-CDC na patuloy pa ang ginagawa nilang pag-aaral upang mabatid kung mas mabilis bang makahawa ang bagong uri ng COVID-19.