NPA deneklarang “Persona non Grata” sa 2 barangay sa Guinobatan, Albay-Phil. Army

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Capt. Raydez Acosta ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army na dalawang barangay sa bayan ng Guinobatan, Albay ang idineklara ng Persona non Grata ang mga Myembro ng New Peoples Army (NPA).

Ayon kay Acosta, ang Barangay Ongo at Pood ng nasabing bayan ay hindi na winiwelcome ng mga ito ang NPA kung kayat gumawa ang barangay council na pagdedeklara na Persona Non Grata sa makakaliwang grupo.

Aniya, bago pa man ang pagdedeklara ng mga ito sa Communist terrorist groups (CTGs) ay nagkaroon muna ng community support program ang hanay ng militar sa mga barangay na presensya ang CPP-NPA-NDF.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Napag-alaman ng mga ito na hinihikayat ang mga residente na sumali sa kanilang grupo at ginagamitan ng mga ito  ng mga issues laban sa gobyerno tulad ng farm to market road at iba pa.

Dahil dito umano nagkaroon ng pagsuporta sa makakaliwang grupo sa paniniwala ng mga ito na pinababayaan ng gobyerno at inangkin  umano ang mga lupain ng residente.

Ipinaliwanag ngayon ng Philippine Army sa barangay at residente ang kanilang layunin upang magtiwala muli sa Pamahalaan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Namulat ngayon ang nabanggit na mga barangay dahil sa ginawa ng militar na social awareness program.

Dahil dito natugunan  ang pangangailangan ng bawat residente na basic services tulad pagbibigay ng hanapbuhay o pagkikitaan at pagtulong din sa mga magsasaka.

Naniniwala ang opisyal na hindi ito gagalawin ng mga NPA matapos ang pagdedeklara ng barangay dahil sa masisira ang kanilang imahe at sinasabi rin ng nga ito na makasama, mabait, at tumutulong ang NPA sa barangay.