Tagumpay ng Clinical Trials sa VCO kontra COVID-19, malaking bagay din sa mga nasa malalayong lugar ayon sa DOST-Bicol

NAGA CITY- Malaking tulong sa mga malalayong lugar kung maaprubahan at magagamit ang Virgin Coconut Oil laban sa COVID-19.

Ito ay ayon sa Department of Science and Technology –Bicol , ayon kay Director Rommel Serrano maraming resources sa mga malalayong lugar tulad ng mga coastal areas at mga isla , magagamit iyon sa tulong ng tekonolohiya.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Una nang sinabi ni RD Serrano na nakasaad sa resulta ng unang mga clinical trials na epektibo talaga ang VCO sa mga may mild symptoms. Sa mga may comorbidity, epektibo rin kapag mild cases din. Subalit hindi pwede ang self-medication, doktor pa rin aniya ang makakapagsabi ng tamang dosage.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nitong Linggo sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na sa katapusan ng Setyembre inaasahan nilang matatapos na ang clinical trials sa paggamit ng VCO sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Sa clinical trial sa Laguna nakita rin na mas mabilis na makarecover ang nakatanggap ng herbal na gamot na ito kumpara sa hindi.