Resto owners, posibleng makaranas pa rin ng 2 weeks pagkalugi kahit pinayagan na ang dine-in

Posible umanong makaranas pa rin ng dalawang linggong pagkalugi ang mga restaurant owners sa Metro Manila bago ang mga ito tuluyang makabawi.

Ito ang inihayag ni Presidential adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, kasunod ng pagpayag sa 10 percent capacity ng dine in services sa mga restaurant sa ilalim ng alert level 4.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Concepcion, sa ngayon, lugi man ngunit kailangan nang mga itong magsakripisyo upang maituloy ang kanilang negosyo.

Mabuti aniya na makapagsimula na muli ang operasyon kaysa sa sarado ito at lalong walang kita.

Kaugnay nito, umaasa naman si Concepcion na mas marami pang mga Pilipino ang mababakunahan para madagdagan rin ang mga indibidwal na pwedeng makapagdine-in.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ipinunto pa ni Concepcion, kailangang matuto ang mga Pilipino na makasanayan na nasa paligid lamang ang covid-19 habang nagpapatuloy ang mga negosyo at trabaho upang tuluyan nang makabangon ang industriya at ang ekonomiya ng bansa.