COVAX magbibigay ng karagdagang 10-M Pfizer vaccine doses sa PH

Kinumpirma ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na magbibigay ang World Health Organization, sa pamamagitan ng global initiative COVAX facility, ng karagdagang 10 milyong doses ng U.S. made Pfizer COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay Galvez, ang naturang doses ay donasyon ng gobyerno ng United States.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Dagdag ng vaccine czar na una nang nagpledge ang U.S. government na magbibigay ng halos anim na milyong Pfizer doses, pero kalauna’y nagdagdag ng 4.5 million doses, dahilan para maging 10 million doses ito.

Mababatid na nagpunta si Defense Secretary Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa U.S. para pasalamatan ang U.S. government para sa naturang mga bakuna.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sa ngayon, mahigit 54.5 million COVID-19 vaccine doses na ang natatanggap ng Pilipinas, kung saan 13 million dito ay mula sa COVAX facility, at 3.6 million ay donasyon ng ibang mga bansa.