Pagbakuna sa general adult population pinag-aaralan na ng gobyerno – PRRD

Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbabakuna kontra COVID-18 sa general population nang bansa sa darating na Oktubre ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang televised address, Sabado ng umaga.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Subalit nilinaw ng Pangulo na depende pa rin ito kung magkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna mula sa mga manufacturer.

“Kung meron nang madagdag, kung kaya nang ma-absorb ng gobyerno yung lahat ng tao na mabakunahan, we will start, maski sino na pupunta ka lang doon kung hindi ka pa naturukan ng vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Umapela naman ang punong ehekutibo na unahin ang mga mahihirap na mabakunahan kontra COVID-19.