Add’l 502k doses ng AstraZeneca COVID-19 vax, dumating na sa PH

Natanggap na ng Pilipinas ang mahigit 500,000 doses ng COVID-19 vaccine na binuo ng AstraZeneca.

Ayon sa National Task Force against COVID-19, ang naturang batch ng AstraZeneca vaccine ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government sa ilalim ng “Dose of Hope” initiative.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Sa ngayon, mahigit 53 million doses na ng iba’t-ibang COVID-19 vaccines ang nakakatanggap ng bansa, simula noong Pebrero.

Samantala, mamayang hapon naman, nakatakdang dumating ang isa pang shipment ng 1.5 million doses ng Sinovac vaccines na binili ng national government.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Kaugnay nito, nasa 54.5 million doses ng coronavirus jabs ang inaasahang maidedeliver sa bansa ngayon buwan at sa Oktubre. //MHEL PACIA-TRINIDAD