NDRRMC, nakikipag-ugnayan na sa mga LGU’s sa N.Luzon re: Kiko

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng hagupit ng Bagyong Kiko sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, nakikipag-ugnayan na sila sa mga local government units at maging sa mga disaster risk reduction and management council sa Northern Luzon upang matiyak na preparado na ang lahat bago pa tumama ang bagyo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Inihahanda na rin aniya ang mga awtoridad sa hilagang Luzon ang mga evacuation centers, na pansamantalang sisilungan ng mga pamilyang lubhang maaapketuhan ng bagyo at maging ang mga kagamitan para sa relief and rescue operations.

Read More:  Imee Marcos questions ‘Pax Silica’ project, warns of environmental risks

Samantala, nagbigay na rin ng abiso ang NDRRMC para sa mangingisda sa Northern Luzon na huwag munang pumalaot upang maiwasan ang disgrasya sa karagatan.