ECQ sa buong Camarines sur, inirekomenda na ng isang alkalde dahil sa patuloy na pagsipa ng COVID-19 cases

NAGA CITY—Panahon na para muling magpatupad ng mas mahigpit na Community Qurantine.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Mayor Ed Severo ng Calabanga LGU.

Inirerekomenda na kasi ni Severo sa Pamahalaang Panlalawigan na isailalim na ang buong probinsya sa Enhanced Community Quarantine dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections.

Aniya, magiging makabuluhan at epektibo lang ang pagpapatupad ng mas mahigpit na community restrictions ng isang Munisipalidad kung uniform o pangkalahatan ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine classification.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa Calabanga, ramdam na aniya nila ang surge ng COVID-19 kung saan naniniwala ang Alkalde na Delta variant na ang nananalasa dahil sa bilis ng hawaan.

Binalaan din nito ang mga negosyante na ipapasara ang kanilang mga establishemento kung hindi mapapasunod ang Public Health Standards.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Inatasan narin ni Severo ang lahat ng Barangay na buksan muli ang kani-kanilang Barangay Isolation Facilities dahil hindi na kaya ng pasilidad ng LGU ang dami ng mga pasyenteng kinu-quarantine.

Katunayan, sa mga tent na lamang sa labas ng pasilidad sa Calabanga naka-quarantine ang ilan sa mga close contacts, may mga milds symptoms at asymptomatic patients habang marami narin ang naka House Quarantine.