Groundbreaking Ceremony ng water system sa Legazpi City sinagawa

LEGAZPI CITY -Sinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng water system sa Purok 4 Sitio Kawalog Barangay Bariis Legazpi City na pinangunahan ni Mayor Noel Rosal, kasama ang City Engineering Office, myembro ng Sangguniang Panglungsod, Barangay officials at mga residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Mayor Rosal, nais nitong i-prayoridad ang mga sitios sa pagbibigay ng supply ng tubig dahil sila ang mas nangangailangan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aniya, gagamitin rin ito ng solar panel system upang hindi na magbayad sa kuryente ang mga residente at lalagyan rin ito ng 2K liters na water tank.

Samantalang tinatayang aabutin sa humigit kumulang sa P600K ang budget sa nasabing proyekto.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon kay kapitan Jeremias Jun Jeron ng nasabing barangay, pangunahing problema ng mga residente ay kakulangan ng supply ng tubig at matagal na rin ninanais ng mga residente na malagyan ng water source ang kanilang lugar upang hindi na mahirapan sa pagkuha ng tubig pang araw araw.

Aabutin sa 200-300 na katao ang mabebenisyuhan ng nasabing proyekto.