Alkalde ng City of San Fernando, Pampanga positibo sa Covid-19

Inanunsyo kagabi ng City Information Office ng City of San Fernando na nag positibo sa COVID-19 si mayor Edwin Santiago.

Lumabas ang resulta ng RT-PCR test nito na positibo sya  sa virus nitong September 7.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Naka isolate na ngayon ang alkalde at kasalukuyang nagpapagaling.

Maging ang mga close contact nito ay naka isolate na rin at naka takda nang sumailalim sa swab testing.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Tinitiyak naman ng opisyal na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng City hall, habang nagpapagaling ito mula sa naturang sakit.