PH, nakapagtala ng all-time high na 22,415 bagong COVID-19 infections

Nakapagtala ang bansa ng 22,415 bagong COVID-19 infections ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total case count sa 2,103,331.

Ayon sa Department of Health (DOH),  ito ang pinakamataas na infections na naiulat, mas mataas sa naitala noong Agosto 30 na 22,366 cases.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 159,633 ang active cases sa bansa, pinakamataas simula Abril 13 kung saan 165,534 ang naitala.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Umabot naman na sa 1,909,361 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 20,109 pang pasyente.

Samantala, nasa 34,337 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 103 bagong fatalities.