589 na guro sa Camarines Norte fully vaccinated na

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 589 na mga guro sa lalawigan ng Camarines Norte ang  nakatanggap na  ng kumpletong dose ng bakuna o fully vaccinated.

Ito ang impormasyong ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo.

Ayon kay Guemo nasa 5, 958 ang mga guro sa lalawigan ng Camarines Norte at sa bilang na ito ay nasa 486 naman ang nakakatanggap pa lang ng first dose.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Aniya, sa loob ng buwang ito ay ang mga nurse ng Department of Education (DepEd) ang magbabakuna sa mga gurong hindi pa nababakunahan.

Nakapasa na umano ang DepEd sa ginawang simulation exercise at hinihintay na lang ang bakunang ibibigay ng Provincial Health Office sa kanila.

Mahalaga kasing mabakunahan na rin ang mga guro lalo’t magsisilbi ang mga ito sa May 2022 National and Local Elections.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Batay sa mga naunang pag- uusap ng Field Operations Group ng Commission on Elections nais nito na ang mga gurong magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) ay nabakunahan na.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay hihingi na ng listahan ang Comelec ng mga gurong magsisilbi sa halalan.