25 Trainees sa pagiging Call Center agent sumailalim sa libreng Training Course ng TESDA sa Polangui, Albay


LEGAZPI CITY – Inilunsad ng Local Government Unit (LGU) Polangui ang isa na namang libreng training course mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nagnanais na pumasok sa call center agent sa Polangui, Albay.

Ayon kay Mayor Andy Mariscotes, 25 trainess ang sumailalim sa libreng training course na 144-Hour Contact Center Services (TESDA NCII).

Layunin nito ang magtraining o magsanay ng mga indibidwal para sa handang pagpasok sa larangan ng Call Centers or Business Process Outsourcing (BPO) Companies sa rehiyon o maging sa ibang lugar.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Pinangunahan din ni Gng. Guia Asaytuno mula sa South Luzon Technological College – Legazpi ang sinagawang orientation ng mga trainees.

Ang proyektong ito ay naging posible sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) ng LGU-Polangui sa pangunguna ni Jeff Nicerio.

Ibinahagi ng Alkalde sa mga trainees na isa sa kanyang mga vision ay humikayat ng mga malalaking kumpanya na mag-invest at magpatayo ng Contact Centers dito sa bayan ng Polangui.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ito ay magbibigay ng trabaho hindi lang sa mga nagnanais na tahakin ang propesyong ito maging pati na rin sa mga iba pang kalakaran at establisyementong magbubukas dahil sa 24 oras na operasyon ng Call Centers. Ipinaalala nito sa mga trainees na mag-aral ng mabuti, magfocus, at gamitin sa tama at makabuluhan ang mga matutunan sa nasabing kurso.