3 Delta variant positive sa Brgy.Bariw Camalig, Albay naka-strict home quarantine na


LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Municipal Health Office (MHO) ng Camalig, Albay na tatlong magkakamag-anak ang nagpositibo sa Delta variant sa Barangay Bariw ng nasabing bayan.

Ayon kay Dr. Jennifer Lapus, head ng Camalig MHO, mahigpit na isinailalim muli sa Home Quarantine ang tatlong nagpositibo sa Delta variant sa nasabing barangay.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Aniya, buwan ng hulyo ng magpositibo sa covid 19 ang mag-asawa at mahawa rin ang kanilang anak.

Natapos din naman ang kanilang 14 days quarantine period.

Subalit sa hindi inaasahan, lumabas ang resulta na positibo ang mga ito sa nasabing variant ng makarekober na matapos ang isang buwan na magpadala ang Department of Health (DOH) Bicol sa Metro Manila ng specimen.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dahil dito, ipinag uutos muna ni Camalaig Mayor Baldo na isailalim muli sa Home Quarantine dahil sa resulta ng test.

Sinabi ng opisyal, kinakailangan ngayon na makuhanan pa rin ng swab test result ang nagpositibo upang matiyak ng camaligueño na sila ay covid free sa variant.