‘Gov’t., walang excuse para sa atrasadong pagbibigay ng benepisyo ng health workers’

Wala umanong excuse para ma-delay ang pagbibigay ng special benefits sa mga health workers na lumalaban sa COVID-19 pandemic. 

Ito ang iginiit ni Vice President Leni Robredo bago ang nakatakdang walkouts ng medical frontliners simula Lunes para iprotesta ang atrasadong pamamahagi ng kanilang special risk allowance (SRA) at iba pang mga benepisyo. 

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ayon sa pangalawang pangulo, nagpo-protesta ag mga health workers di lamang dahil sa pera dahil nasa 1,000 mga doctor ang volunteer sa teleconsultation service ng kanyang  opisina.

Aniya, ang SRA ay ang pagkilala ng pamahalaan sa sakripisyong ginagawa ng mga healthcare workers. 

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Giit ng bise presidente, sana ay di na hinintay ng gobyerno na magprotesta at magreklamo ang medical frontliners. 

Wala umanong excuse ang pamahalaan dahil mahigit isang taon na tayong nakikipaglaban sa pandemya at binuo ang budget para ngayong taon sa gitna ng pandemic.