Karagdagang 516 na kaso ng Delta variant, naitala sa bansa–DOH

Umabot na sa 1,789  ang kabuuang kaso ng mas nakakahawang Delta variant sa Pilipinas matapos na madetect ang karagdagang 516 na bagong kaso nito

Sa statement ng Department of Helath (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), ang nasabing bagong kaso ng Delta variant ay mula sa 748 na sequenced samples galing sa 67 na mga laboratory sa bansa.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa 516 na ito, 437 ang local case, at 31 ang returning overseas Filipinos (ROF).

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Habang ang nalalabing 12 ay patuloy pa nilang iniimbestigahan kung local o ROF.

114 sa 437 local cases ay mula sa Metro Manila.

Samantala, sinabi ng DOH na anim sa 1,789 total Delta variant cases ang active, lima ang nasawi habang 505 ay nakarekober na.