Patuloy na hinihimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga Pilipino na magpabakuna na laban sa COVID-19 kasabay ng pagsisikap ng pamahalaan na makamit ang population protection.
Sa isang panayam, sinabihan ni Go ang mga Pilipino na huwag matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para magbalik normal na ang lahat at mahalagang makamit muna ang population protection bago ang herd immunity.
Binigyang diin ng senador na lumakas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna dahil mas malaki ang tsanang mahawa ng COVID-19 ang mga unvaccinated kaya naman nanawagan sya sa mga nasa priority list na magpabakuna na.
Dagdag pa ni Go, patuloy na binabalanse ng mga otoridad ang economic recovery efforts habang pinalalakas ang health protection para matiyak ang holistic approach sa paglaban sa COVID-19 pati na sa kahirapan, at kagutuman bunsod ng pandemya.
Mababatid na isinailalim ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang National Capital Region sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) noong August 6 hanggang 20, at pagkatapos ay pinaluwag sa modified ECQ hanggang August 31.
