P311M halag ng SRA para sa 20k healthcare workers, target ipamahagi ng DOH bukas

Target ng Department of Health (DOH) na masimulan na bukas, August 25, ang pamamahagi ng special risk allowance (SRA) sa mahigit 20,000 mga medical workers sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, kinumpirma ni Health Sec. Fransisco Duque III na ngayong araw ay inaasahang mailalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P311 milyon na pondo para sa nasabing benepisyo.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ayon sa kalihim, ang naturang halaga ay nagmula sa miscellaneous and personal fund ng kagawaran na inaprubahan ng DBM.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Nauna nang sinabi ng DOH na hinihintay pa nila ang pinal na listahan ng mga recipients ng SRA upang malaman kung gaano pa ba karami ang hindi pa nakakatanggap nito at kung magkano ang kailangan na budget para dito. // MHEL PACIA-TRINIDAD via CLAY MARQUEZ