Dahil sa selos, lalaki, patay sa pananaga sa bayan ng Sta Elena

CAMARINES NORTE- Isang 42-anyos na lalaki ang napatay sa  pananaga dakong 1:30 ng hapon nitong Agosto 22, 2021 sa Purok 6, Barangay San Vicente, Santa Elena, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “ELOY”,  22 taong gulang, binata samantalang ang biktima ay nakilalang si alyas “JUN”, 42 taong gulang, may kinakasama, pawang mga residente ng Purok 6, Barangay Tabugon, Santa Elena, Camarines Norte.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon sa ulat, habang ang suspek at biktima kasama ang ibang kamag-anak ay nag iinuman, diumano ay nagkaroon ng mainit na diskusyon sina Eloy at Jun dahil sa selos na nag-udyok sa suspek at tinaga ang biktima ng dalawang beses sa leeg nito na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Samantala, ang bangkay ng biktima ay nasa pangangalaga na ng kanyang pamilya dahil sa tradisyon ng kanilang tribo.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang nabanggit na suspek ay agad na naaresto ng mga tauhan ng Sta Elena MPS sa kanilang ikinasang follow-up operation at kasalukuyang nasa pangangalaga na nila para sa kaukulang disposisyon.