Travel pass application sa Camarines Norte, maari na lamang kunin via online

CAMARINES NORTE- Via online na lamang maaaring kunin ang travel pass application ng lahat ng mga nais pumasok sa lalawigan ng Camarines Norte

Ito’y bunsod ng mulng paghihigpit sa mga papasok ng Pamahalaang Panlalawigan

Sa pinakahuling impormasyon na nakalap ng Brigada News FM Daet, lahat ng kukuha ng travel pass ay hindi na maaaring gawin sa loob ng kapitoly o walk-in kundi ito ay online process na lamang sa pamamagitan ng www. camnortetravelpass.com.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Tanging mga opisyal na lamang ng gobyerno at kawani ng kapitolyo ang papahintulutang makapasok sa loob ng gusali maliban na lamang kung mayroong transaksyon sa mga opisina ng Provincial Assessor’s office, Provincial treasurer’s Office at sa Provincial legal Office.

Una ng nagpalabas ng advisory ang Provincial Task Force for COVID-19 IMTna lahat ng papasok sa Camarines Norte na galing sa mga high Risk na mga lugar na tinutukoy ng National IATF ay kailangan magsumite ng  negative result ng RT-PCR o Antigen test.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bukod rito, lahat ng mga APOR o Authorized Person outside residence ay kailangang magpresenta ng travel order mula sa kanilang mismong  ahensiya o opisina o kaya naman ay travel authority mula sa Provincial Government.