Lalaki, natagpuang patay sa kaniyang inuupahang bahay sa Cauayan City

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng kaniyang inuupahang bahay sa Barangay Cabaruan, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cauayan City Police Station, kinilala ang nasawi na si Jonas Adeva, 49-anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, nakatanggap umano ng tawag ang kanilang himpilan ng impormasyon kaugnay sa natagpuang bangkay sa bahay ni Evelio Castillejos, 70-anyos at may-ari sa inuupahang bahay ng biktima.

Ayon sa salaysay ni Castillejos, nadatnan na lamang nito si Adeva sa kaniyang inuupahan na wala nang buhay dakong alas 6:00 ng gabi noong August 19, 2021.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Aniya, 30 na taon nang nangungupahan ang biktima sa kaniya kung saan napag-alamang nito na nagkasakit ang biktima.

Kumbinsido naman si Castillejos na ang iniindang sakit ni Adeva ang naging dahilan ng kaniyang kamatayan.