Nasa mahigit 100 ang bilang ng mga staff ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang tinamaan ng COVID-19.
Nauna nang inihayag ni CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan na ang malaking bilang ng mga nagpositibo ay nahawaan ng virus mula sa komunidad dahil na rin sa nararanasang community transmission sa Tuguegarao City.
Aniya, ilan sa mga nagpositibong empleyado ng CVMC ay nagtatrabaho sa opisina at bagaman may mga nagpositibong health care workers ay tiniyak nitong hindi apektado ang operasyon ng pagamutan.
Sinabi pa ni Dr. Baggao na patuloy silang humihiling ng pondo sa DOH Central Office para sa pagdaragdag ng mga health staff na tutugon sa pangangailangan ng mga COVID-19 patients at suplay ng mga gamut.
Ayon pa sa CVMC Chief na sa ngayon ay nakakasapat naman ang suplay ng gamut at oxygen sa pagamutan gayunman sinabi rin nitong naabot na ang bed capacity ng ospital kaya’t umapela si Dr. Baggap sa mga LGU na dalhin muna sa kanilang isolation facilities ang mga asymptomatic at mild cases.