MMC: Quarantine pass sa NCR, di na kailangan sa ilalim ng MECQ

Ibinahagi ni Metro Manila Council chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na hindi na kailangan ang quarantine passes sa Metro Manila sa oras na mag-shift ito sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula sa August 21.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ayon rin kay Olivarez, mananatili ang kasalukuyang curfew hours na alas 8:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw sa National Capital Region.

Ang desisyon naman para sa pagpapatupad ng liquor ban ay nakadepende na sa mga lokal na pamahalaan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Mababatid na ang quarantine status sa Metro Manila at Laguna ay ibababa mula ECQ sa MECQ simula bukas hanggang saAugust 31, habang sa Bataan ay magsisimula sa August 23 hanggang 31.

Sa panahong ito, ang indoor at outdoor dine-in services, personal care services, at ang pagsasagawa ng physical religious gatherings ay ipinagbabawal parin.