Lima, kabilang na ang tatlong taong gulang na babae, patay sa pamamaril ng gunman sa England

Patay ang lima, kabilang na ang tatlong taong gulang na babae mula sa pamamaril ng isang licensed gun holder sa Plymouth, England.

Gamit ang isang pump-action shotgun ay tumagal nang anim na minuto ang pamamaril ng suspek na kinilala sa pangalang Jake Davison, 22-anyos, at isang crane operator

Unang napatay ang 51-anyos na babae na kakilala ni Davison sa isang bahay.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Kalaunan ay tumakbo ang suspek palabas ng bahay at agad pinagbabaril ang isang batang babae sa kalsada kasama ang kaanak nito na 43-anyos na lalaki.

Sa sumunod na pangyayari ay binaril ni Davison ang dalawang passer-by na labis na nasugatan.

Pumasok naman si Davison sa isang park kung saan ay pinatay niya ang isang lalaki at babae bago niya kinitil ang sariling buhay.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Wala namang nakikita na motibo ang mga pulis habang hindi rin nila kinokonsidera ang angulong terorismo.

Sa ilang videos ng suspek ay inireklamo niya ang kabiguan niya na mawala ang kaniyang virginity bilang isang teenager at ang pagiging incel, o isang involuntary celibate.

Tinukoy niya rin ang kaniyang sarili bilang “defeated by life”.