Halos 400 violators hinuli ng HPG sa magkakahiwalay na operasyon

CAMARINES NORTE- Aabot sa 395 na violators ang hinuli at inisyuhan ng ticket sa magkakahiwalay na operasyon  ng PNP- Highway Patrol Group sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte kamakalawa.

Katuwang ng HPG sa isinagawang Simultaneous One Time Big Time  Oplan  Lambat  Bitag Sasakyan sa mga boundary ng Daet – Mercedes,  Daet- Basud at Daet – Talisay ang local police, traffic enforcers at force multiplier.

Ito na ang ika 36 na Oplan Lambat Bitag Sasakyan na isang programa ng HPG na sinimulan noong huling bahagi ng 2020.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ang mga violators  ay inisyuhan ng Temporary Operators Permit at Traffic citation Tickets depende sa violations.

Matatandaan na sa unang linggo pa lamang ng Agosto ay aabot  na sa 472 violators ang nahuli sa Enforcement of Transportation Road Safety and other Special Laws.

Hati naman ang saloobin ng publiko hinggil sa ginagawang paghihigpit at panghuhuli ng HPG at ng local police.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Para sa iba, pahirap ito lalo’t marami sa mga nahuhuli ay walang maayos na hanapbuhay dahil na rin sa epekto ng pandemya.

Sa kabilang dako, mayroon din namang mga natutuwa dahil para sa kanila ay paraan ito para linisin ang kalsada at madisiplina ang mga motorista.

(Photos courtesy: PNP HPG)