PNP COVID-19 death toll, pumalo na sa 89 habang total infections, mahigit 32,000 na

Inihayag ng Philippine National Police na isa pang police officer ang namatay dahil sa COVID-19, dahilan para pumalo na sa 89 ang death toll sa kanilang hanay.

Ayon kay Chief Police General Guillermo Eleazar, ang pinakahuling nasawi ay isang 48-taong-gulang na pulis na nakatalaga sa South Cotabato.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Isinugod sa ospital neto lamang Agosto 1 ang nasabing pulis matapos makaranas ng sakit ng ulo at ubo at nang sumailalim sa testing, nagpositibo ito sa COVID-19.

Dahil sa hirap na paghinga  kinailangan bigyan ng oxygen ang pulis nito lamang Agosto 7 ngunit sa kasamaang palad nitong Agosto 9 ay binawian rin siya ng buhay.

Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 32,077 ang COVID-19 cases sa PNP, kasama ang 158 new infections.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sinabi ng PNP na nasa 72,898 o 32.87% ng mga tauhan nito ang fully vaccinated na, habang 78,544 o 35.41% ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng vaccine.

Dahil dito, hindi bababa sa 70,341 o 31.72% ng mga tauhan nito ang hindi pa nabakunahan laban sa nakamamatay na sakit.