Target collection para sa 1st semester ng taong 2021 naabot ng BIR Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Albay na naabot nila ang target goal collection para sa 1st semester ng taong 2021.

Ayon kay Arnel Cosinas, ang Revenue District Officer no. 67 ng nasabing tanggapan, ipinagmamalaki ng mga ito na nakuha nila ang target goal para sa unamang semester simula buwan ng Enero hanggang buwan ng Hunyo sa lalawigan ng Albay.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aabot sa mahigit sa P113M ang kanilang nakolekta mula sa mga nagnenegosyo sa nasabing lalawigan.

Naabot ng ahensya ang colection goal ay dahil sa tumatalima at nakikipagkooperate sa tax regulations at required compliances.

Nagiging maigting din ang kampanya sa pagbibigay impormasyon sa mga tax payers sa pamamagitan ng tax awareness program, checking or tax mapping kung saan ay magkakaroon ng penalidad.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Dagdag pa nito, nakatulong din ang mga maliliit na tax payers kung kayat nakadagdag rin ito para sa nasabing collection.

Sinabi ng opisyal, inaasahan din nito na ngayon ikalawang semester ay maabot pa rin ng mga ito ang target goal collection sa taong 2021.