Fully vaccinated persons sa PH, pumalo na 12-M mark – Palasyo

Nalampasan na ng Pilipinas ang 12-million mark sa bilang ng mga tao na fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, 12,027,383 individuals na ang fully vaccinated sa bansa, as of August 11.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Samantala, mahigit 26.1 million COVID-19 vaccine doses naman ang naibakuna na, 14.1 million dito ay naibigay bilang first dose.

Simula noong Pebrero, nakatanggap na ang Pilipinas ng 39.5 million COVID-19 vaccine doses, na mula sa binili ng gobyerno at donasyon mula sa COVAX facility at ibang mga bansa.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ang huling bakuna na dumating sa Pilipinas ay ang 100,000 doses ng Sinopharm na donasyon ng United Arab Emirates at ang mahigit 800,000 Pfizer doses na binili ng gobyerno. // MHEL PACIA-TRINIDAD