Pagsusuot ng face shield mananatiling bahagi ng health protocols – Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mahalaga pa rin ang pagsusuot ng face shield bilang karagdanag proteksiyon kontra COVID-19.

Sa kanyang taped briefing sa Malakanyang sinabi ng Pangulo na may ilang sector ang nanawagan na huwag gawing compulsory ang pagsusuot ng face shield.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Paliwanag ng punong ehekutibo dahil sa banta ng mas nakakahawa na Delta variant mas mainam pa rin umano na may suot na face shield upang kahit papaano ay makatutulong na hindi direktang makapasok sa katawan ang virus.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Hinimok din ni Pangulong Duterte ang publiko na patuloy na sumunod sa mga ipinapatupad na health protocols dahil ginagawa ito para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.