DOH sa mga employers: COVID-19 vaccination, di mandatory

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga employers na hindi pinayapayagan ang pag-require ng COVID-19 vaccination sa kanilang mga manggagawa.

Sa ilalim ng labor department’s Advisory No. 1 series of 2021, nakasaad na maari lang hikayatin ng mga employers ang kanilang mga manggagawa na magpabakuna laban sa COVID-19, pero hindi sila maaring irequire.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ang sinumang empleyado na piniling hindi magpabakuna o bigong magpaturok ay hindi dapat na i-discriminate laban sa terms ng employment.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa ilalim ng Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, ang vaccine cards ay hindi ikinokonsidera bilang karagdagang requirement para sa employment.// MHEL PACIA-TRINIDAD