PPA, naghahanda na sa Bagyong Marce

Nagpalabas na ng direktiba ang pamunuan ng Philippine Ports Authority sa lahat ng port manager sa buong bansa na ipatupad ang standard operating procedures tuwing mayroong sama ng panahon.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at iba pang port users lalo na sa mga pantalan na naapektuhan ng nagdaang bagyong Kristine.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago , bagama’t mayroong mga naitalang nasirang port facilities dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, lahat ng mga pantalan na nasa pamamahala ng ahensiya ay fully operational at bumalik na sa normal ang mga biyahe.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Sakaling naman muling magkaroon ng mga stranded passengers dahil sa sama ng panahon, nagpapatuloy ang hakbang ng PPA para matulungan ang mga apektadog pasahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagkain gaya ng lugaw at iba pang relief food pack katuwang ang local government unit at Department of Soacial Welfare and Development.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Maaalalang mayroon na ring ugnayan ang PPA at DSWD para sa paglalagay ng mga pre-positioned food packs sa mga pantalan bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Bukod sa libreng pagkain, mayroong libreng water refilling stations, charging stations, at nakaantabay na mga PPA personnel sa mga Passenger Help Desk para agad na matulungan ang mga pasahero na mangangailangan ng tulong.