Flood control projects – nakuwestyon

Nilinaw ni Senador Joel Villanueva na walang katotohanan ang mga umiikot na impormasyon sa social media na nasa P9 bilyon ang laang pondo para sa flood control programs ng Bicol Region para sa taong 2023 o 2024.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Ayon sa senador, sa katotohanan, nasa P61.42 bilyon ang kabuuang pondong hawak ng Department of Public Works and Highways para sa flood control ng nasabing rehiyon.

Kasunod nito, marapat lang umanong matignan nila sa gagawing budget deliberation ang pinaglaanan nito at ang impact na naidala nito.

Read More:  VP Sara Duterte reveals alleged 2024 plans against her and Rodrigo Duterte

Maalala, nakatakda na sa darating na November 4 ang pagbabalik sa sesyon ng Senado kung saan nakatakda na ring simulant ang budget deliberation ng iba’t ibang ahensya.