Inaresto ng Nueva Ecija Police ang isang magkasintahan matapos nilang iwan ang kanilang patay na bagong silang na sanggol sa Baliwag Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.
Ang sanggol ay natagpuan sa labas ng banyo ng terminal kung saan nakita ito ng porter na si Isidro Tamta Papinit.
Agad naman itong na-ireport ni Papinit sa otoridad at sinabing nakabalot ito sa tela na nasa sahig.
Base sa ulat, nakita ang magkasintahan na inilapag ang sanggol sa labas ng banyo at sumakay sa bus patungong Gapan, Nueva Ecija.
Kaugnay nito, agad na ipinaaresto ang dalawa matapos ipaalam ng driver ang insidente sa Penaranda Police Station.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Quezon City Police sa mga otoridad ng Nueva Ecija para sa karagdagang imbestigasyon.