LTFRB, binigyan ng special permits ang 753 bus para sa Undas 2024

Nagbigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits sa 753 na mga bus bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong nalalapit na Undas.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, nasa 272 special permits na ang naipagkaloob.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Aniya, maaaring tumaas pa ang bilang ng mga permits habang patuloy na nag-aaplay ang iba pang mga operator ng bus.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Kaugnay nito, magiging valid lamang ang naturang permits hanggang Nobyembre 10.

Sa huli, binibilisan na ng LTFRB ang paghahanda para sa Undas 2024 kasama ang mga pag-inspeksyon nito sa mga terminal ng bus sa buong bansa.