Rider na nag-counterflow, patay sa Sampaloc, Maynila

Patay ang isang rider nang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa nakasalubong na trailer truck matapos itong mag-counterflow sa kalsada sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang biktima na si Adelo Aton residente ng Maria Clara St. 7th Avenue Caloocan, City habang ang driver ng truck ay kinilalang si alyas Gene, 29 anyos ng Tondo Manila.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Base sa imbestigasyon, habang binabaybay ng driver ng truck ang northbound lane ng NLEX Connector Road ay bigla umano nag-counter flow ang biktima.

Read More:  De Lima urges Senate to fulfill constitutional duty on VP Sara impeachment

Kung kaya’t si Adelo ay nagtamo ng sugat sa ulo at katawan kung saan inihabol pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival na.

Ang naturang aksidente naman ay naganap sa northbound lane ng NLEX Connector Road sa nasabing lugar.