Ilang tahanang apektado ng bagyo – wala pa ring kuryente

Mula sa mahigit kalahating milyong apektado sa kasagsagan ng Bagyong Kristine, bumaba na sa mahigit 300,000 ang bilang ng mga customer na nakakaranas ng pagkaantala ng serbisyo ng kuryente, ayon sa Meralco.

Sa isang advisory ng Meralco, ang kanilang mga crew at tauhan ay walang tigil na nagtatrabaho upang maibalik ang kuryente sa mga natitirang lugar na naapektuhan ng bagyo.

Read More:  Drilon: Senate has no legal basis for protective custody

Sa kasalukuyan, nasa 360,000 na lamang ang apektado ng kawalan ng kuryente mula sa dating 566,000 na naitala noong nakaraang gabi.

Karamihan sa mga apektadong lugar ay nasa Cavite, Laguna, at Batangas, habang ang ilan pang lugar sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, at Quezon ay nananatili ring apektado.

Read More:  Comelec insists 2028 national elections will push through

Sinabi rin ng Meralco na ang kanilang social development arm na One Meralco Foundation ay naghanda ng mga relief pack at solar lamp na ipamamahagi sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng bagyo.

Pinapayuhan naman ang mga customer na nais mag-report ng pagkawala ng kuryente at iba pang mga alalahanin, na makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na social media pages ng Meralco.